Cleanest White Beach sa Didaddungan Palanan, Isabela | Coastal Town of Isabela (Eps. 1)
146K views · Jul 1, 2024 · People & Blogs
Comments · 184
@hunterpinoy6075 · 2 years ago (edited)
I am a mountaineer from QC... noong 1998 to 2003...ilang beses kami pabalik2 dyan sa diddadungan , palanan, sta. jacinta, digoyo....yan ang hiking playground namin dati, yan ang secret paradise namin noon, jungle yan eh, walang kabahayan noon.......5 or 7 pa lang yata ang bahay dyan noon sa buong Sitio Diddadungan napakahaba nyan, at may isang tribo dyan ng dumagat seguro 15 dumagats , isang maliit na bangka lang ang bumibiyahe dyan mula Dilasag papunta diddadungan at once a week lang ang biyahe dyan....usually aalis ka sa dilasag at 12 midnight at makakarating ka kinabukasan sa diddadungan at 5 pm....ganun ka petmalu ang biyahe dyan noon sa maliit na bangka, pag nasira ang bangka mo... history ka hehe kasi one week pa ulit bago dumaan ang nagiisang bangka na bumibiyahe dyan, kumbaga walang rescue di katulad ngaun na sandamakmak ang mga pumpboat dyan na iba2 pa ang laki. Ang petmalu dyan pagkatapos mo maihatid dyan ng pumpboat...aalis na agad un...ang tanong papanu ka makabalik ulit papunta dilasag, di mo naman alam kung kailan ulit makakabalik ang pumpboat...mayron dyan 1 or 2 pumpboat nakastandy or nakaangat, pag tinanong mo naman ang pumpboat owner kung pede marentahan, pede pero walang gasolina...nagkaletse2 na hehe...kaya pag pumunta kami dyan, may baon kami isang container ng gasolina para surebol makakabalik kami. Ang isa s apnkproblema dyan ang pagkain...saan ka kukuha ng pagkain, alangan naman ngat ngatin mo mag damuhan dyan, di ka naman kambing hehe...kaya dapat magbaon ka ulit ng pagkain nyo dyan good for 2 weeks halimbawa. Next maghahanap ka ng dumagat guides paakyat papasok s aloob ng gubat like digoyo or to sta. jacinta....ang problema ang tribu ng dumagat dyan usually 15 sila, since galing ka manila...MATIC kakainin ang food stuff na baon mo...2 days pa lang ubos agad foods mo, un kasi ugali nila dun, sama2 kkung kumain....kung magsarili naman kayo at wag papakainin ang mga dumagat, sino ang guide nyo papasok s aloob ngbundok, mamamatay kayo dun maliligaw kayo hehe...kaya next time na bumalik kayo dyan magbaon kayo ng at least 2 sakong bigas, kalahating sako ng sibuyas at 3 sako ng mga de lata at kalahatingg sako ng mga rekado...kasi walamg rekado dyan dati...either na pakuluan lang at asin lang ilalagay sa nilagang isda or sinugba/inihaw...hehe nakakasawa naman pag palaging ganun...kaya magbaon ka ng sangkap...good for 20 people hehe. Naalala ko noon ang maliit na falls dyan din kami umiinom noon....may 2 kweba dyan na maliit...ang isa malapit dyan sa falls or inuman at isa dun sa gilid ng cliffwall.....dyan kami natutulog o nagpapahinga noon. Totoo yan bumabaon ang paa mo dyan kaya bawal maglakad dyan from 9am to 3pm, napakainit ng buhangin dyan, mapapaso ang paa mo sa buhangin kasi bumabaon eh....pag pumunta ka sa digoyo...6 kilometers mula dyan sa dragon beach (wala pa yan mga kabahayan noon) pag naglakad ka sa gilid ng dagat or cliffwall, nakadikit ka dyan sa mga talaba hehe, ingatan at tyempuhan mo ang hampas ng alon or else didikit ka dyan sa mga talaba or matutulsi na mga bato kasin talas ng kutsilyo....pagtsinelas ginamit mo punit yan kaya magsapatos ka...from diddadungan white beach...8 km walk to digoyo...15 km walk to sta, jacinta...at 15 km walk to palanan....yan ang playground namin dyan paikot lang dyan....mayroon nga pala lake dyan sa digoyo at sta, jacinta...niloloko pa kami ng dumagat guide namin...may buwaya daw dyan kasin lapad ang likod ng buwaya ang kama na hinihigaan namin ng kasama ko, malaki un buwaya ah kaya di kami nagtatampisaw sa digoyo lake bk may buwaya dun na malaki pang world record katula dni lolong hehe...hehe ang pnkmahirap nyan noon ang biyahe from cabanatuan to casiguran to dilasag...sa cabanatuan aalis ka ng 4am by jeep/bus makarating ka casiguran at 8pm kasi rough road at one lane lang noon sa gilid ng mga bangin at walang mga tulay...binilang ko noon almost 25 river crossings ...Ang jeep na sinakyan namin dyan sa cabanatuan papunta casiguran grabe sa dami ng pasahero...may chasis pa ng motor sa topload, mga tao at sako...at sa loob ng jeep may mga sako, at motor sa loob, grabeeee...may mga bamboo sa gilid ng bintana ng jeep, kakalabitin ka at maniningil ang konduktor...haha akala mo pumpboat may bamboo sa gilid ng bintana...hehe..bago ka pala umalis sa cabanatuan...may passenger na manifest ka isisulat mo pangalan mo, nagtaka ako nun, ano un ferry boat? nakamanifest (bisaya kasi ako sanay ako sa ferry boat)...hinde daw para kung mahulog sasakyan sa malalim na bangin, at least may listahan nga naman nagkaletse2 na hehe...isipin mo 8 oras yata na mga bangin na one lane lang na rough road pa, parang sa benguet na mga kalsada....at petmalu pag inabutan ka ng bagyo o malaka sna pag ulan dun sa itaas ng bundok bukod sa mga landslide at madulas, may mga falls pa yan...at ang river crossing inaabot ng ilang linggo bago madaan ulit ng sasakyan...kaya pag inmabot ka dun sa bundok na biyahe at bagyo...stranded ka dun... history hehe...Noong 1998=2003 from QC 10 pm ang biyahe ng baliuag bus to cabanatuan...12 midnight nasa cabanatuan bus terminal kn....at 4am bibiyahe ang bus or jeep papunta casiguran...makarating un 8pm ng gabi sa casiguran..tapos mula casiguran 2 hours biyahe papunta dilasag...tatambay ka dun ng 4 days or one week bago ka makasakay kasi one small boat lang ang biyahe noon at tyak may mga naunang pasahero nakatambay din dun...sa damuhan ka matulog hehe 12 midnight pm to 5pm ang biyahe ng pumpboat mula Dilasag to diddadungan, then next morning akyat ka sa Digoyo....naku po kakapit ka dun sa mga sea cliffwall....pag nasa digoyo ka naman....hiking to sta, jacinta...pahinga ka dun ng isang gabi chika2 s amga tao dahil pagod kn maghike , mahire ka kabayo na sako lang ang sapin sa puwet after 2 hours...makarating ka palanan pero di ka makalakad ng maayos kasi ang buong puwet mo lapnos ang balat kasi mga buto2 ang pwet ng kabayo, magkalakad ka paika2 sa palanan maghanap ka ng makakainan...2 lang yata ang resto noon hehe ang paper bills nila dyan seguro 10 years na hinde napapalitan napakabulok na grabe gula gulanit na tadtad ng mag tape, seguro ang bagong pera o medo maayos na pera iniipon nila, ang umiikot na pera gula gulanit grabeee.. one day tambay ka sa damuhan sa airport para abangan mo ang eroplano kinabukasan..ang airpot terminal noon ay isang waiting shade lang ng isang baranggay natin dito QC...then sasakay ka sa bulok2 na eroplano (winarningan ka ng guide mo na one month ago bumagsak ang ganyan eroplano) kaya habang nakasakay ka sa 6 seater plane..pakikinggan mo ng maigi aang engine ng eroplano bk huminto nagkaletse2 na, imbes mag enjoy ka sa view ng sierra madre nakatingin ka palagi sa elese na sana hinde huminto pag nasa cauaan kana then bus na pabalik QC ...hehe...after more 2 weeks adventure sa sierra madre...ang etsura mo at para ka nang dumagat sa itim at payat....walang makain dun eh...hehe...ang petmalu mga maduduming labada pa ang pasalubong mo sa magulang mo kaya katakot2 na sermon anmg aabutin mo...pero SOLVE2 KA KASI NAKARATING KASA PALANAN AT DIDDADUNGAN hehe....we do it for 3 years pabalik2 sa sierra madre where no other mountaineering group was able to go there. Grupo nga ni Gen , Corpuz noong NPA pa sila halos mamatay sila dyan sa sierra madre...12 days panay niyog lang kinain nila at nag mag cross country sila dyan papunta digoyo....pinsan ko isang company ng special forces sinubukan nila mag cross country dyan...partida may chopper food drop pa sila, nawalan sila ng baril sa river crossing kasi malalapad at malalim din mga river crossing dyan. ganun kahirap dyan. Plano namin noon mula diddadungan maghiking pabalik sana sa Dilasag kasi walang masakyan na pumpboat eh....sabi ng guide namin aabutin kami ng one week (sa dumagat) 2 weeks sa mountaineer ang mahirap dyan ang cliffwall na dadaanan mo, river crossing na malalalim at magbabaging ka s amga bangin at baon namin isang sakong kamoteng kahoy....HINDE NA... ah...antayin ko na lang ang pumpboat dito na lang ako sa tatambay muna sa diddadungan hanggang makabalik ang pumpboat...once a week lang kasi ang biyahe dun. Noon pag naubusan ka ng bigas...aba kumain ka ng kamote...kamoteng kahoy mula umaga at gabi for one week, sa ayaw at gusto mo kukulo tyan mo at mauutot kab awat minuto2, kaya totoo pala un nagpapautot ang kamote...hehe... Minsan nakasakay kami ng maliit na pumpboat ng dumagat...as usual umalis kami ng 12 midnight sa digoyo....walang kainan un buong araw habang bumibiyahe sa maliit na pumpboat at around 4 PM...punyeta nasira ang pumpboat...aayw umandar kahit 20 times na hinihila ng dumagat ayaw talaga umandar, nagkaletse2 na....2 hours na kami palutang2..natatanaw ko na ng maliliit na ilaw sa dinapiege, pero di kaya languyin kasi 2 ,kilometers....tsk...tsk ....buti ang kasama ko bisaya, sanay sa pumpboat...nilinis nya ang balbula ng makina pinatuyo afgt hayon umandar ulit.....diosko day...muntik na kami matodas sa laot...buti naayos.....that was more than 25 years ago.....ngaun mahina na tuhod ko di ko na kaya ulitin pinaggagawa namin dati....hanggang YOU TUBE HIKING NA LANG AKO DITO SA QC...hehe .AM GLAD NAKITA KO ULIT ANG DIDDADUNGAN kahit sa you tube lang...pero promise ko sa sarili ko.... SOMEDAY I SHALL RETURN TO DIDDADUNGAN AND DIGOYO bcoz that was the adventure na hinde ko makakalimutan kahit 25 years ago na nakakalipas .. :P pahabol....kayong mga blogger since mahilig kayo magmotor sa mga liblib na lugar, mag invest kayo ng license gun kasi sa liblib na lugar lalo sa sierra madre, marami dun mga pasaway, kriminal na nagtatago, harangan lang ng kawayan dinadaan nyo at tutukan kayo ng mga baril...easy target kayo kasi teritoryo nila un eh.....kaya malakas ang loob ko dati umakyat dyan sa sierra madre kasi may lisensyado ako baril ...pang depensa eka nga :P
31
@darylegera6812 · 3 weeks ago
Ito Yung mga tinatagong Paradise Ng pilipinas sana makapunta Ren ako Dyan Ganda sobra
@TeofilaCerdeña · 3 months ago
Wow ,Ganda Ng tanawin.🙏🙏🙏👋
1
@TeofilaCerdeña · 3 months ago
Ganda Ng tubig, ang lenaw.
1
@claireadorio7920 · 3 weeks ago
my Birth Place..Palanan Isabela😍 Kilala din ang Lugar nmin kung saan jn nahuli si Emilio Aguinaldo..
@Team404-q6p · 2 months ago
Ingatzzzz mga idol.from dasmariñas village Makati.
@myspeakingmind4065 · 1 year ago (edited)
❤kkmiss ang lugar kung saan ako pinanganak at gang 6yrs old ako nung nagstay kmi dyan.dmi kong relativs dyan.kelan ky mkkbkasyon dyan?😢lapit sa beach ang lupa ng lolo ko,kso mtgal n syang nmtay.
2
@GraceRitual-u9b2e · 3 weeks ago
Someday makakauwe dn po kame jan sa white beach diddadungan .. lalu nat taga jan po yunq napanqasawa ko .. shout out po from nueva ecija
@maryjanealvarez1985 · 2 months ago
ang sarap tlga soon mapuntahan din nmin yan Dragon Resort Palanan Isabela....kakatapos lng nmin magwatch...
@Layput · 1 month ago
I've been there. It's a nice beach but the waves were kind of big. Remember that it is directly facing the great pacific ocean
@Felizsha-05 · 2 years ago (edited)
Parang kasing pino ng buhangin sa Boracay anf white sand sa Boracay sobrang pino parang sing pino ng asukal. Ang ganda ng lugar hindi crowded sarap mag relax dyan at tahimik wala pa gaano tao. Mga fossils ang mga yan. Ganyan din sa Boracay wala bato sa ilalim ng dagat at yung ibang Island sa El Nido, Palawan parang ganyan ang kaiba lang doon ay maraming magagandang Rock formation
2
@Ernie.Esteban.724 · 2 years ago
Pristine beach with crystal clear water...🌊👏🌞🌅🎉
2
Up next

Blue Lagoon ng Palanan Isabela | Disalpet River | Coastal Town of Isabela (Eps. II)
Jeric P · 90K views

Hangang ngayon Bahay na Bato ang kanilang Tirahan | Sabtang Island Batanes (Part III Batanes)
Jeric P · 263K views

Inabot kami ng 10 hours at gabi sa Bundok The HARDEST route Palanan to Divilacan road | Open na!
Jeric P · 75K views

Didaddungan White Beach | Palanan, Isabela
J4 · 404K views

Beach Camping at Manuel Uy, Calatagan, Batangas. Episode 1.
Koya Wel · 3.3K views

Authentic DAVAO Food Tour sa Davao City! (Where Locals Eat)
The Chui Show · 34K views

Davao City to Davao Oriental City of Mati | The southern Philippine island of Mindanao
Jeric P · 67K views

Visiting The Town Trapped Between a Mountain and the Sea
SEFTV · 1.3M views

Ito na ang Calaguas Island ngayon, sobrang ganda na! | | Antigravity A1 8K 360 Drone
Jeric P · 234K views

Biyahe ni Drew: Conquering Isabela (Full Episode)
GMA Public Affairs · 1.1M views

Impossible Places | World's Dangerous Places You Won’t Believe They Exist | 4K Documentary
My Unreal Planet TV · 472K views

Ang simple buhay sa liblib na Bayan ng Divilacan at Maconacon Isabela
Jeric P · 92K views

Solo Camping | Naomi Camp Zambales
REED · 259K views

Sobrang Tarik Paakyat! Pero Worth It ang Nasa Tuktok | Mt. Olis & Mt. Timbak Ride
Jeric P · 158K views

How People Live In Alaska | How People Live at the Edge of America | 4K Travel
Travel Dimension · 1.6M views

Ganito sila kagaling gumawa ng mga Tourist Spot | 3 days Tour in Da Nang Vietnam
Jeric P · 121K views

Beach Camping sa Mala Golden Sand ng Dasol Pangasinan | Recudo 1 Villa Balinmanok
Jeric P · 243K views

Camping Beside a Crystal Clear River in Zambales | Bluetti Elite 30 V2
BEAHERO Outdoors · 10K views

First Long Ride CB500X | Dingalan Aurora Batanes ng Silangan | Havoline Oil
Jeric P · 137K views

SCARY FLIGHT To Philippines Most ISOLATED Town - Palanan, Isabela
Kumander Daot · 120K views

ITO PALA ANG DAAN PAPUNTANG MT. PINATUBO | 2nd Largest Volcanic Eruption Turned Paradise
Jeric P · 819K views

Ang New Zeland ng Zambales Best camping site| Lake Mapanuepe
Jeric P · 87K views

Libutin natin ang PINAKA LIBLIB na bayan ng ISABELA| Blue Lagoon | Disalpet River | Palanan
J4 · 210K views

UNISAN SANDS Quezon | A Hidden Camping Spot Urban Gadgets (BonPen Loop Episode I)
Jeric P · 350K views

Visiting the Most Isolated Town in the Philippines
SEFTV · 2.9M views

Team SEC Sagada Ride | Hanging coffins | Sagada Heritage Village Eps. 1
Jeric P · 349K views